GMA-7 Mars Ravelo's Darna 2009: Cast/Characters/Super Villains (with Photos & videos)

GMA-7 Mars Ravelo's Darna 2009: Cast/Characters/Super Villains (with Photos & videos). GMA-7 taps its Queen of Prime Time, Marian Rivera, who is undeniably one of the hottest and most sought-after actresses in the entertainment industry. She will also portray Darna's alter ego Narda, a crippled young woman who will be torn between her love and destiny.
Mars Ravelo's original Filipino Comics character DARNA, the Pinoy Icons.

Mars Ravelo's Darna 2009: Cast/Characters/Super Villains

Narda / Darna as played by Marian Rivera. Si Narda ay isang ulilang lumaki sa bahay-ampunan. Lingid sa kanyang kaalaman, siya pala ang napiling tagapagmana ng isang makapangyarihang bato na magbibigay sa kanya ng kapangyarihan para maging si Darna!

Eduardo as played by Mark Anthony Fernandez. Si Eduardo ang batang unang naging kaibigan ni Narda sa ampunan. Sa kanyang pagkakaampon, mangangako siya kay Narda na babalikan niya ito—and he does. Pero siya ang magiging dahilan kung bakit masisira ang pagkakaibigan nina Narda at Valentina.

Padre Mateo as played by Eddie Garcia. Si Padre Mateo ang kura-parokong may madilim na nakaraan.

Perfecta as played by Celia Rodriguez. Si Perfecta ay ang matandang dalaga na nagpapatakbo ng bahay ampunan. Strict man at kinatatakutan, siya pa rin ang kikilalaning pangalawang ina ni Narda.

Loleng as played by Caridad Sanchez. Si Loleng ay ang matalik na kaibigan ni Perfecta, at siya rin ang tumutulong dito para patakbuhin ang bahay ampunan.

Carding as played by Robert Villar. Si Carding ay ang batang, sa pagpasok pa lamang sa ampunan, ay agarang makasusundo si Narda. Siya lang ang makaaalam ng sikretong pagkatao ni Darna, at siya rin ang magiging sidekick nito.
Valentina as played by Iwa Moto. Si Valentina ay isang outcast; lumaking uhaw sa pagmamahal, lilinlangin niya ang mga kababata niyang sina Narda at Eduardo para maging kaibigan niya.
Babaeng Impakta as played by Nadine Samonte. Ang Babaeng Impakta ay nagtataglay ng mala-anghel na mukha, pero may itinatagong ubod ng pangit na halimaw sa kanyang likuran—ang kanyang kambal.


Babaeng Lawin as played by Ehra Madrigal. Ang Babaeng Lawin ay may kakayahang utusan ang mga ibon, at nagtataglay ng nakabibinging huni.
Babaeng Tuod as played by Francine Prieto. Ang Babaeng Tuod ay isang nilalang na kayang utusan ang mga puno at halaman para magdulot ng kamatayan.
Babaeng Linta as played by Maggie Wilson. Ang Babaeng Linta ay isang babaeng nagtataglay na gayahin ang itsura ng sinumang hawakan niya.

Kobra as played by Paolo Contis. Si Kobra ay kalahating tao at kalahating ahas; ganid sa kapangyarihan, papaikutin niya ang lahat makuha lang ang gusto niya.

Dr. Morgan as played by Ricky Davao. Si Dr. Morgan ay isang scientist na galing sa angkan ng mga dalubhasa. Obsessed sa paglikha ng pinakamakapangyarihang nilalang, wala siyang ibang hahangarin kundi ang mabihag at gawing specimen si Darna.

Crisanto as played by Raymart Santiago. Si Crisanto ay ang magiging kapatid ni Eduardo; editor sa isang pahayagan, personal niyang iimbestigahan ang tunay na katauhan ni Darna.

Consuelo as played by Janice de Belen. Si Consuelo ang babaeng gagawin ang lahat, makuha lang ang inaasam-asam na anak. Siya ang ina ni Valentina.

Gabriel as played by Alfred Vargas. Si Gabriel ang reporter na mapapalapit kay Narda, habang hinahabol nito si Darna.

Francesca as played by Rufa Mae Quinto. Si Francesca ay ang kalog na secretary ni Crisanto.

Alfonso as played by Ian de Leon. Si Alfonso ay isang pulis na magiging katuwang ni Darna sa pagsupil sa masasamang elemento ng mundo.

Apollo as played by Gabby Eigenmann. Si Apollo ang kanang-kamay ni Dr. Morgan; iniidolo niya ang amo niyang scientist at ituturing niya itong mentor.

Simon as played by Jestoni Alarcon. Si Simon ang ama ni Narda; walang ibang itinitibok ang puso niya kundi ang kanyang asawa, kaya naman labis na lang ang magiging pag-alala niya sa pagkawala nito.

Alicia as played by Rita Avila. Si Alicia ang ina ni Narda; dahil sa busilak niyang kalooban, siya ay pagkakalooban ng isang blessing: isang bata na itatakdang susunod na tagapagmana ng bato.

Tagapangalaga ng Bato as played by Angel Aquino. Ang Tagapangalaga ng Bato ay isang spiritual guide para sa bagong Darna; magsisilbing gabay sa kanyang mga pakikipagsapalaran.

Shiro as played by Polo Ravales. Si Shiro ang leader ng isang sindikato na manggugulo sa buhay ni Narda at Darna.

Watson as played by Bearwin Meily. Si Watson ang matatakutin, pero loyal, na alalay ni Eduardo.

Liberty as played by Krissa Mae Arrieta. Si Liverty ay ang lady-boss ng isang sindikato na manggugulo sa buhay ni Narda at Darna.

Aleli as played by Roxanne Barcelo. Si Aleli ay isa sa mga kasama ni Narda sa ampunan; tapat at mapagmahal, siya ang maituturing na best friend ni Narda.

Dominic Zapata and Don Michael Perez reunite to direct this new masterpiece that will be written by a group of writers headed by Jun Lana.

Darna tells the story of Narda, an attractive young woman who grows up in an orphanage and lives a happy, quiet and simple life—until she must face the fact na siya ang tanging tagapagmana ng isang mahiwagang bato. Isang bato na magbibigay sa kanya ng kakaibang—ngunit pamilyar—na kapangyarihan.

For TV series visit FILIPINO TV CHANNEL

Watch DARNA Teaser Villains: