Iwa Moto: Plays the villainous Valentina in Darna television series 2009

Iwa Moto: Plays the villainous Valentina in Darna television series 2009. In what is considered as a big break for her, Iwa Moto reprises the role of the villainous Valentina. At kanyang in-admit na she indeed has big shoes to fill.

"Tumbling ako! kasi una, nabalitaan ko na Top 5 nga ako sa FHM tapos mag ba-Valentina [pa] ako, Siyempre its an accomplishment for me." ang pag-amin ni Iwa Moto sa amin nang kausapin siya during Narda's story conference. "Tapos sobrang iba yung feeling kasi parang big role ito na pinagkakatiwala sa akin kaya pressured! Stress!"

At very much aware siya kung gaano ka-laki itong role na ito, "Kasi walang Darna kung walang Valentina. It's like my biggest, biggest, biggest role!"

Though very excited si Iwa na matuto, mas lalo siyang na-inspire nang malaman niya na si Ms. Celia Rodriguez, ang isa sa mga gumanap ng Valentina sa mga dating Darna series, ay kasama sa cast.

"Lahat sila [the other cast members] nung umikot ako makulit! Pagdating kay Ms. Celia, [sabi ko] 'Hi po, magandang gabi po.'" kuwento ni Iwa, "Siyempre alam mo 'yun? Gusto ko hindi mapahiya ang Valentina. Kasi siyempre si Valentina, Valentina yan eh. Andami kong napanood na Valentina na sobra – sobrang lahat sila nagampanan nila yung part nila as Valentina. So gusto ko kahit naman, kung hindi ko malamangan yun, ma-achieve ko man lang kahit papaano 'yung mga na-achieve nila."

"I am willing to do anything, as in anything. Kung kinakailangan mag-workshop ako everyday para lang maayos ko at magampanan ko ng maayos yung character ko, I'll do it!" dagdag pa niya.

At ano naman ang kanyang preparation, so far, in taking on the role of Darna's archenemy?

"As usual, dieta pa rin para mag-fit ako sa costume! [laughs]," sagot ni Iwa.

Banggit pa ni Iwa, na para sa kanya, ang isang challenge ay mag-live up siya sa pagiging stylish, as with the previous actresses who played Valentina. "Yun nga eh! Kasi hindi ako fashionista! Kaya ano 'to, mahirap ito for me," paliwanag niya. "Pero siyempre, alam mo 'yun? Ayaw kong mapahiya sa mga taong nagtiwala sa akin. Siyempre sa GMA Artist Center, sa GMA Management na siyempre pinagkatiwalaan nila ako. Ayaw ko naman sila ma-dissappoint."

Kaya siguradong ang pagganap ni Iwa sa Narda ay isa sa mga aabangan ng mga tao. "Kung ang expectation ay nasa kay Darna (Marian Rivera), siyempre ine-expect din nila na si Valentina may ibubuga din, and ayaw ko naman mapahiya ang mga tao," ang kanyang huling sambulat, '"Tsaka forever na, kahit na mawala na ako sa showbiz, I am going to be Valentina, I portrayed Valentina, kaya okey na ako dun."

Sources:
Erik Mataverde, iGMA.TV